I-FLEX
ni Jun Nardo
NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby na si Raymart Santiago sa GMA 7, ang Never Say Die?
Eh primetime ang telecast na kinabibilangang series ni Raymart sa GMA at primetime rin ang kinabibilangang series ni Claudine sa TV 5.
Alam naman siguro ninyo ang nilikhang ingay nitong nakaraang araw ni Claudine sa umano’y kidnapping ng personal assistant niya. Then, wala pang 24 oras ang nakalipas, naibalik na ang mga anak na safe ayon sa aktres.
May pumatol kay Claudine. Sinarili na lang ng iba ang kanilang saloobin sa ginawa niya.
Anong sey mo, Ms. Ed? Concerned ka? Hahaha!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com