Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang netizen na nagkomento sa post niya sa X (dating Twitter) account ukol sa trailer ng bago niyang pelikula.

Sa trailer kasi ay halos English ang dayalog nina Anne at leading man niyang si Jericho Rosales, at isang netizen ang nag-iwan ng comment ng, “kakairita, english english ang mga dialogue…”

Nag-react si Anne sa netizen at prangka niyang sinagot ng … “Di wag kang manood!”

Nilinaw ito ni Anne na una muna ay idinaan sa biro. 

“Oo medyo Taglish siya dito, medyo English-English kaya kung ayaw niyo e di huwag kayong manood!”

Matapos ito ay nilinaw ng aktres ang tungkol sa naging sagot niya sa netizen.

“Alam niyo honestly that wasn’t meant to blow how it did.

“Parang kunwari si Vice, kunwari si Vice ‘yung kausap ko at sinabi niya, ‘Ano ba ‘yang movie niyo puro English!’

“Ganoon ko rin naman siya sasagutin, ‘Huwag kang manood!’

“Ganoon lang ‘yun, it wasn’t meant to be like a pataray.

“Parang ganoon lang, ‘Eh ‘di huwag kang manood!’

“Ganoon lang ‘yun.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Atty Vince Tañada Bonifacio Ang Supremo

Atty Vince binigyang katwiran paghuhubad sa FB

HARD TALKni Pilar Mateo SIMULA ng taon, nagalugad na ng Philstagers ni Atty. Vince Tañada ang sari-saring paaralan sa …

Josh Groban GEMS World Tour

Josh Groban dadalhin GEMS World Tour sa Manila: Regine, Martin special guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG espesyal na pagtatanghal ang magaganap sa February 18, 2026, ang GEMS …