Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Snooky Serna

Snooky tinarayan ng young star

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI na kagulat-gulat ang mga kuwento ng mga kabataang artista, although hindi naman lahat, na nag-a-attitude kahit sa harap ng mga beterano o senior stars.

Isa ang aktres na si Snooky Serna sa nakaranas na ng ganito.

Oo naman, oo naman,” bulalas ni Snooky.

Hindi ko na papangalanan ‘no, pero mayroon din naman. If I may be very honest, mayroon.

“‘Yung halimbawa ano kayo, magte-take na.

“Bago mag-take pala may rehearsal ‘di ba? Tapos ‘pag crying scene siyempre bibigyan ka muna ng few seconds para makapag-internalize.

“Iiyak ka, ‘pag ready ka na, ‘O ready na po.’

“Take na. May mga nakasama na ako na parang nakikita mo na nagme-make face [na tila naiinip], ‘Tagal naman ready na ako!’

“‘Yung parang ganoon.”

Masyado yatang confident ang kaeksena niya.

I don’t know what it is, over-confidence or lack of patience or I don’t know, arrogance, I don’t know.

“But it’s a shame ‘di ba, it’s on them, not on me.

“Kasi ako naman, alam ko rin naman kung… hindi naman ako magpapatagal ng mga 30 minutes, ‘di ba?

“Alam ko naman where I stand.

“May mga ginagawa tayong shows na hindi naman ako ‘yung bida and even if I were the bida I will not do that.

“Hindi naman ako magpapahintay na, hindi naman pa-diva ako. 


Kaya lang, iyon nga unfortunately may mga nakasama lang ako na mga kabataan na may attitude talaga.

“At saka ‘yung makikita ka sa gathering, gaganunin tatanguan ka lang. Parang barkada lang, parang tropa lang. Ha! Ha! Ha!”

Hindi na niya kinompronta ang mga ganitong “pasaway.”

Hindi, it’s not worth it.”

Sinabi namin kay Snooky, si Dina Bonnevie, kinukompronta ang mga nakakaeksenang young stars na may attitude.

Tama naman din, si ate alam mo naman matapang ‘yun. Pero ako, I’m very retiring, at saka parang siguro on that light na ako eh, very, ano ako, parang I’m so, in a lot of ways todo- pasa ako, eh.

“Very passive so para sa akin, in the scheme of things, maliit na bagay na lang huwag ng pag-aksayahan ng panahon.

“Makakakita rin ng katapat iyon.

“Pero of course you don’t wish for that kaya lang iyon talaga ang ano eh, what you sow you reap.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Miles Poblete Pilar Pilapil

Miles Poblete idolo sa pagkokontrabida si Pilar Pilapil

MATABILni John Fontanilla THANKFUL ang singer and actress na si Miles Poblete sa Dragon Productions nina Bambbi Fuentesat Tine Areola dahil isinama …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

Heart Evangelista Cecilia Ongpauco

Heart at momnager ginaya eksena sa The Devil Wears Prada 2

I-FLEXni Jun Nardo BACK to work and back to Parish Fashion Week si Heart Evangelista, huh! But this …