I-FLEX
ni Jun Nardo
REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist na si Kokoy de Santos.
Eh biglang nag-ingay sa social media si Rhen Escano. Unfair daw dahil sa episode, nagkahiwalay sila ni Kokoy dahil umano sa cheating niya.
Kung ano-ano ang hanash niya. Dapat daw eh inilabas side niya. Pero hindi naman siya direktang pinangalanan, huh!
Pumalag sa ingay ni Rhen ang premyadong writer na si Gina Marisa Tagasa.
Sa komento ni Manay Gina sa lumabas sa aray ni Rhen sa isang online entertainment site, based sa facts ang isinusulat ng mga writer. At replay na ang episode kaya noon pa sana siya nagsalita.
Sa totoo lang, parang walang alam ang publiko sa relasyong Kokoy ay Rhen, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com