I-FLEX
ni Jun Nardo
BIGLANG nabigyan ng ka-loveteam si Ryza Mae Dizon last Saturday sa Eat Bulaga!
Eh ang naglaban-laban kasi sa Pinoy Henyo eh ang The Clones dahil nga love month.
Hindi kasali ang Matt Monroe clones na si Rouelle Carino sa lumaban dahil wala pa siyang dyowa.
Pero after ng tatlong pares ng Clones kasama ang kanilang dyowa, may humabol daw na pares. At ito nga ‘yung loveteam nina Ryzza at Rouelle.
Kinantahan ni Rouelle si Ryzza! Ang kinanta? Release Me ni Engelbert Humperdinck huh!
Hagalpakan ang lahat ng Dabarkads at studio audience noong Sabado.
Ang loveteam nina Ryzza at Rouelle ang kapalit ng AlDub, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com