I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKAS talaga si Pinoy Big Brother Collab 2.0 na si Heath Jornales. Ilang beses na siyang nominated for eviction sa Kapuso stars.
Pero last Saturday, ligtas muli si Heath at si John Clifford, Kapuso star ang nasibak. Sa Kapamilya naman eh si Fred Moser ang evictee.
Sa latest task, pinagsayaw ng folk dance ang housemates. Binasuan ang sayaw ng girls habang maglalatik naman ang sa boys.
Ang huling sayaw ng housemates ay ang Sayaw sa Bangko na may tatlong levels. Sina Heath at Caprice Cayetano ang nagsayaw sa third level na pinakamataas sa tatlong levels.
Palibhasa, action star ang dating ni Heath kaya naman mabilis niyang natutunan ang pagbalanse sa ibabaw ng bangko na kapareha si Caprice.
Balita namin, isang mayamang negosyante raw ang sumusuporta kina Heath at Caprice kaya naman ligtas sa eviction ang bawat isa sa kanila.
Biglang naging maugong ang pangalan ni Heath na una naming napanood sa mga Batang Riles ng GMA bilang nawawalang kapatid ni Jillian Ward.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com