I-FLEX
ni Jun Nardo
MALALAMAN kay Atty. Ferdie Topacio na mahal niya ang local showbiz. Pati nga lumang pelikula na matagal naipalabas eh alam niya ang mga bida at title, huh.
Kaya ganoon na lang katindi ang pagmamahal niya sa showbiz industry. At isa nga sa suggestion niya eh ilipat sa Film Development Council of the Philippines o National Commission for Culture and Arts ang pamamahala ng Metro Manila Film Festival.
Kaya naman kapag may magandang kuwento para gawin niyang movie eh ipino-prodyus ng kanyang Borracho Film Productions gaya ng Spring in Prague na sa bansang Czech kinunan with stars Paolo Gumabao at Czech model at Sara Sandeva mula sa direksiyon ni Lester Dimaranan.
Showing na this February 4 ang Spring in Prague na isang magandang pelikula.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com