I-FLEX
ni Jun Nardo
KASADO na ang Stardust international tour ng multi-awarded record breaking band na Cup of Joe.
Sa totoo lang, nadagdagan pa ang additional dates ng ongoing world tour ng COJ at may dagdag ding confirmed live shows sa various cities sa bansa para sa kanilang sold out concert.
Nitong Enero, ipagpapatuloy nila ang second leg ng tour nila sa USA na susundan ng concert nila sa Qtar at Abu Dhabi sa Pebrero.
Sa Marso eh babalik sila sa Singapore at Malaysia at Indonesia sa Mayo. Additionally, expected din silang mag-perform sa Taiwan, South Korea, Australia, at New Zealand sa June.
Samantala, ang confirmed dates sa Philippine tour ng COJ ay sa University of Baguio sa February 6; Sta. Rosa Laguna sa February 28; Tacloban City sa March 21; Cebu City sa March 28; Iloilo City sa May 9, Davao City sa May 30, at General Santos City sa June 13.
Ang three day concert ng Cup of Joe sa Araneta Coliseum ay recognized ng ng Araneta Group sa history na ginawa nila dahil sa limang araw na sold out concerts sa loob ng isang taon.
Samantala, naglabas ng vinyl record ng award winning song na Silakbo ang Cup of Joe na album of the year sa first Filipino Music Awards.
Ang layo na ng narating ng mga kabataang nagmula sa North, ang Cup fo Joe!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com