I-FLEX
ni Jun Nardo
RATSADA this year ang GMA Pictures at hindi lang ang GMA Network, huh.
Una sa listahan ang animated documentary na 58th tungkol sa biktima ng Magguindanao massacre na tampok ang buhay ng 58th victim na si Reynaldo Bebot Momay.
May isa pang animated film na titled Ella Arcangel base sa acclaimed 2017 comic book series ni Juluis Villanueva.
Mayroon ding horror film na Huwag Kang Titingin na idinirehe ni Frasco Mortiz ang star studded cast.
Abanga natin ang pelikulang ito mula sa GMA Pictures.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com