Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPAT
ni Mat Vicencio

NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong”

Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang kanyang sarili sa nangyayaring kontrobersiya at gulo hinggil sa usapin ng maanomalyang flood control projects.

Ang bilyon-bilyong pisong korupsiyon sa flood control project ay hindi maaaring makalusot sa Kongreso kung sina dating Speaker Martin Romualdez at dating Congressman Zaldy Co lamang ang ‘magma-magic’ at walang kinalaman si Bongbong.

Sa simula pa lamang ng pagdinig ng proposed national budget para sa 2025, imposibleng hindi alam ni Bongbong ang mga detalye at nangyayari sa bawat deliberasyong isinagawa, at lalong imposibleng walang kinalaman ang pangulo sa mga palusot na ikinakarga ng mga mambabatas.

Alam ng lahat na magpinsan, best friends, enkargado at higit sa lahat bastonero ni Bongbong si Martin kaya hindi kapanipaniwala na walang alam ang pangulo sa ‘insertions’ ng national budget para sa infrastructure projects na nabuking na iregular, sub-standard at non-existent.

Kaya nga, nakagugulat nang biglang magbitiw sa puwesto si Martin matapos na makipagpulong kay Bongbong at kaagad ipinasa ang liderato ng Kamara kay Deputy Speaker Faustino “Bojie” Dy III ng Isabela.

Nasundan pa ito nang kompirmahin ni Ombudsman Jesus Cripin Remulla na magsasampa sila ng kaso laban kay Martin at tinitingnan ng kanilang tanggapan ang iba’t ibang anggulo at ebidensiya bago tuluyang magsampa ng kaso sa dating speaker.

At sa isang video message ni Bongbong, deretsahang sinabi ng pangulo na “criminal charges of plunder and indirect bribery could be filed against former Speaker Martin Romualdez over anomalies in flood control projects.”

Nitong nakaraang Disyembre, inirekomenda naman ni Public Works Secretary Vince Dizon ang kriminal at kasong administratibo sa Ombudsman laban kay Martin kaugnay sa flood control project scam.

Pero lumalabas na panakot lamang ang ginagawa kay Martin at pampalubag-loob sa taongbayan para hindi maakusahang may pinoprotektahan ang administrasyon ni Bongbong sa usapin ng flood control project scam.

Sabi nga, takot lang ni Bongbong na ipakulong si Martin. Sabit ka rin kasi Mr. President!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …