Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
SPEEd

Bagong pangulo at opisyales ng SPEEd pinangalanan 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

HINIRANG ng grupong SPEEd ang bagong pangulo at iba pang opisyal nito kasabay ng pagsisimula ng taong 2026.

Inihalal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Tessa Mauricio-Arriola, lifestyle at entertainment editor ng The Manila Times, bilang bagong pangulo.

Pinamumunuan na ngayon ni Mauricio-Arriola ang organisasyong nagsimula bilang isang social club ng mga entertainment editors mula sa mga pambansang broadsheet, nangungunang tabloid, at mga pangunahing online portal.

Isa sa nagtatag ng SPEEd ay ng yumaong Manila Standard entertainment editor na si Isah V. Red, na nagsilbi ring president emeritus ng grupo.

Sa aming bagong hanay ng mga opisyal, nais naming sumulong ng may matapang na pananaw, ngunit kasabay nito ay manatiling tapat sa mga pinahahalagahang palaging gumagabay sa SPEEd at patuloy na sumusuporta sa direksiyong pinaniniwalaan ng grupo,” ani Mauricio-Arriola.

Kasama niya sa bagong hanay ng mga opisyal sina Maricris Valdez-Nicasio ng Hataw (bise presidente—internal) at Gerardine Trillana ng Malaya Business Insight (bise presidente—external).

Sina Ervin Santiago ng Inquirer Bandera at Rohn Romulo ng People’s Balita ay nahalal na mga kalihim, habang sina Dondon Sermino ng Abante TnT at DWAR1494 at Anna Pingol ng Pika-Pika at Pilipino Star Ngayon ay magsisilbing mga ingat-yaman. Si Jerry Olea ng PEP ay itinalaga naman bilang auditor.

Ang mga inihalal na PRO ng grupo ay sina Nickie Wang ng Manila StandardNeil Ramos ng Tempo, at Janice Navida ng Bulgar.

Habang pumapasok tayo sa isang bagong kabanata, nananatili tayong nakatuon sa pagsuporta sa mga komunidad at sa pamamagitan ng taunang EDDYS, patuloy na pinararangalan ang mga manggagawa sa industriya ng pelikula na siyang dahilan kung bakit posible ang mga makabuluhang kuwentong ito,”dagdag ni Mauricio-Arriola.

Ang beteranong mamamahayag na si Nestor Cuartero ng Tempo, Manila Bulletin, at The Market Monitor ay patuloy na nagsisilbing tagapayo ng SPEEd.

Kabilang sa mga miyembro ng konseho ng mga nakaraang pangulo sina Ian Fariñas ng People’s Tonight, Eugene Asis ng People’s Journal, atSalve Asis ng Pilipino Star Ngayon at PangMasa.

Ang iba pang miyembro ay kinabibilangan nina Dinah Sabal Ventura ng Daily Tribune, Jun Lalin ng AbanteNathalie Tomada ng The Philippine StarBobby Requintina ng Manila BulletinDindo Balares, retiradong editor ng Balita, at Rito Asilo, retiradong editor ng Philippine Daily Inquirer.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …