I-FLEX
ni Jun Nardo
MATAPOS paglaruan ni Janus del Prado ang wedding cake ni Carla Abellana na nag-viral, ngayon parang sinisisi ng aktor ang bagong kasal na umano’y naghikayat sa mga tao na mag-mass report ng page niya.
Ayon sa post ni Janus, on hold ang monetization ng kanyang page na pinaniniwalaan niyang may kinalaman ang pahayag niya sa wedding cake.
Walang salita si Carla sa bagong akusayon ni Janus na naging sarkastiko pa sa pagbati ng best wishes sa mag-asawa na sinamahan pa ng dagdag na banat kung gaano tatagal ang kasal nila.
Wala namang salita tungkol sa bintang ni Janus sa kanya. Basta ang alam namin, nagtapos si Carla sa kilalang unibersidad with honors, huh!
At star si Carla kompara kay Janus!
Teka, ano ba ang problema ni Janus kay Carla? Close ba sila o magkakilala?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com