Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED R
ni Rommel Gonzales

MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley!

Ngayon kasi ay bida na siya hindi tulad dati na pang-support lang siya madalas.

Sobrang nakaka-shock pa rin po talaga ‘yung mga pangyayari. Kasi sobrang biglaan po eh,” bulalas ni Will.

Nagulat lang din po ako na paglabas ko, ‘Wow!’

“Ganoon na ‘yung naging takbo ng karera ko.

“But at the same time, kapag binabalikan ko naman ‘yung mga araw, mga taon na ginugol ko para sa pag-abot ko ng pangarap ko, sinasabi ko naman po na kahit paano worth it naman talaga siya.

“Nakatutuwa po, ang mga pangarap ko lang dati, unti-unti na pong natutupad ngayon.”

Ngayon kasama si Will, bilang Arvin, sa major cast ng Bar Boys: After School kabilang sina Carlo Aquino (bilang si Atty. Erik Vicencio), Rocco Nacino (bilang si Atty. Torran Garcia) at Enzo Pineda(bilang si Atty. Chris Carlson) with Kean Cipriano bilang Josh Zuñiga.

Nasa sequel na ito ng Bar Boys (2017) ang bagong law students na sina Sassa Gurl bilang Trisha, at Therese Malvar bilang CJ at sina Glaiza de Castro bilang Jazz, Emilio Daez bilang Ziggy, Klarisse de Guzman bilang Mae, at siyempre, si Ms. Odette Khan na nagbabalik din bilang Judge Hernandez.

Mula ito sa produksiyon ng 901 Studios at panulat nina Kip Oebanda, Carlo Catu, at Zig Dulay.

Entry ang Bar Boys: After School sa 51st Metro Manila Film Festival sa December 25.

Samantala, tulad ng ibang artista ay hindi ligtas si Will sa mga intriga tulad ng pagbabangga sa kanila ng kapwa niya Sparkle artist at PBB Celebrity Collab Edition housemate na si Dustin Yu.

Deadma lang si Will sa pagsasabong sa kanila ni Dustin.

Hindi ko po siya nakikita na pinagsasabong, eh.

“Kasi pareho naman po kami ni Dustin na may kanya-kanyang talents, may kanya-kanyang skills.

“So, hindi lang naman po ako, or hindi lang naman po siya ang puwedeng gumawa ng concert na ‘yun.

“I think kung ano po ‘yung mga na-achieve ko, na-achieve niya, pareho po namin sinusuportahan ‘yung isa’t isa.”

Grabe rin ang bashing kay Will ng ilang fans na ayaw sa tandem nila ni Bianca de Vera.

Aminado si Will na affected siya.

Mayroon pong mga tweet o messages na nakaaapekto rin lalo na kung nadadamay na ‘yung pamilya ko.

“Pero at the same time kasi, parang ngayon po pinipili ko na lang ‘yung mga battle ko.

“Kumbaga, tinitingnan ko na lang po kung ano talaga ‘yung may mga meaning na sinasabi.

“Kung ‘yung criticism ba sa akin ay makaturulong. O ‘yung mga criticism na sinasabi lang po nila ay nonsense, para lang po talaga ma-bash ako.

“Kaya ngayon po, siguro hindi na lang po ako talaga nagpapaapekto, kasi nag-focus na lang din po ako… sa dami po ng ginagawa ko ngayon, ayoko na pong intindihin ‘yung mga negative.

“Kumbaga, roon na lang po ako sa positive, sa tingin ko tamang ginagawa ko, wala naman po akong inaapakan,” seryosong sinabi pa ng binata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …