Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Manilas Finest

Manila’s Finest minarkahan ikatlong sunod na MMFF project ni Piolo 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NINEETEEN sixty nine. Ten years old ako. Elementary. 

Aware naman na ako sa itsura ng mga pulis noon.

PC ang tawag sa mga naka-khaki uniform. Philippine Constabulary.

At may isang istoryang mula sa panahong ‘yon ang tatambad sa mga manonood sa idinirehe ni Raymond Red na lalahok sa MMFF (Metro Manila Film Festival)  2025, ang Manila’s Finest.

May tatlong pulis. Sa Dekada Sitenta. Sina Homer, Conrad, at Billy. Mga may prinsipyo. 

Si Lt. Homer Magtibay na ginagampanan ni Piolo Pascual ay subsob sa kaka-imbestiga ng sari-saring krimen sa bituka ng siyudad. 

Lahat ng klase ng kasamaan. Korapsiyon na umuugnay sa mga negosyante at politiko, na buong tapang nilang kinaharap ng partner niyang si Officer  Billy Ojeda na ginampanan naman ni Enrique Gil.

May mahalaga ring papel na ginampanan sina Ariel Rivera (as the Commander Conrad), Joey Marquez, Rica Peralejo, Romnick Sarmenta, at Jasmine Curtis-Smith. At marami pa.

Ikatlong MMFF na ito ni Piolo mula 2023 kaya ibang kasiyahan din ang hatid nito sa aktor.

Mahirap in the sense na kinailangan naming pag-aralan at busisiin ang mga buhay ng mga pulis na binigyang-buhay namin. Maaaring fictional ang karamihan pero sinalamin nito ang mga totoo’ng  tao’ng nagsilbi sa oanahong yon para sa bayan para pumuksa ng kaliwa’t kanang kriminalidad na naganap during that time.”

May hatid ang nakaraan sa kasalukuyan sa pag-evolve at pagbabago ng mga pulisya. Hindi lang sa tikas ng mga unipormadong tagapagtanggol ng bayan.

Eto eh, kung naging ano sila matapos na mabansagan ng titulong lumambong ba sa pagdaraan ng panahon?

Natandaan ko uli ang PC. Ang khaking kasuotan. Noong sumapit na ang first quarter storm. Umiikot na sila sa kalye at mga bahay-bahay. 

Naging bukambibig na ang Manila’s Finest. Ang motto. 

Sa December 25, 2025 isa ito sa maipagmamalaking pelikula mula sa MQuest Ventures na ang tema ay akma sa panahon ngayon.

Rated PG ng MTRCB ang isa sa walong kalahok sa ika-51st MMFF

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …