Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Gutierrez Isha Ponri Sarah Geronimo

Sarah G peg nina Isha at Andrea

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ISHA Ponti is on a roll.

Matapos ang kanyang unang concert, na naipamalas na ang kahusayan sa pagsulat ng kanta, here comes another feat.

Malaki ang tiwala ng direktor na si Calvin Neria sa mga bagong sulpot sa henerasyon nila ngayon (Gen Zs) na this early kinakikitaan na ng ibang klase ng galing sa pagkanta at pag-perform.

Kumbaga, it’s beyond them.

Kaya akma ang titulong The Next Ones na makakasama niyang muli si Andrea Gutierrez. Halos magkasabay silang umaalagwa na may dagdag pa na mga grupo naman ng mga mang-aawit at mananayaw din.

Writing songs, composing  melodies are in Isha Ponri‘s mindset. Kahit pa hindi niya inilalagay sa backburner her studies, isinasabay niya ang musika.

Kaya naman halos lahat ng mga may pangalan na sa industriya ay handang sumuporta sa kanyang pag-alagwa.

Eto na!

Sa December 13, 2025 na sila magsasama-sama sa isa pang konsiyerto sa Music Museum. At dito rin mapakikinggan ang Christmas song na ginawa ni Isha na Wala Ka sa Pasko.

Ninamnam ng press ang mga kanta ni Isha. Alam na kakayanin na niya ang pumaimbulog soonest.

Who else to support this concert kundi ang mismong kompositor din ng sangkaterbang mga awiting kinanta ng mga sumikat na sa kanilang larangan sa musika—si Rey Valera.

Magkasundo sina Isha at Andrea sa peg nila sa iniidolo— si Sarah Geronimo.

Hindi imposible na magka-collab sila with the sing and dance star.

At maganda rin na kanta from the Valera ang pagsamahan nila.

Storytelling. ‘Yan ang hinugutan ni Isha ng songs from the heart blended with the mind sa kanyang mga piyesa.

Sigurado, manonorpresa na naman sila nina Direk Calvin sa The Next Ones

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …