HARD TALK
ni Pilar Mateo
WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year old plays with her dolls. The nitty gritty abubots of kitchenwares, clays or crafting. Or being with her playmates.
Pero itong si Kryzl Jorge, dahil na rin siguro bunso at laging nasa laylayan ng kanyang butihing ina na isang negosyante, sa mga ginagawa nito nabaling ang pansin.
Now she sits as the CEO of their Purple Hearts Foundation and company. Na ang goal ay makatulong lalo na sa mga kabataan when it comes to their healrh concerns.
Kaya sa murang isip ni Kryzl, ang laro ay ang pakikihalubilo niya sa mga binigyan nila ng tulong sa iba’t ibang sektor.
Pero ang isa pang iniikutan ng pansin ni Kryzl ay ang pagiging musikera niya. Sa munting edad, nakagagawa na ito ng mga kanta na kinagigiliwan ng pakinggan sa sari-saring music platforms.
At dahil malapit sa kanyang ina ang komedyanang si Kiray Celis, naging ninang-ninangan na rin ito ni Kryzl.
Kaya what better to gift Kiray and Stefan Estopia na mag-iisandibdib na bago matapos ang taon, kundi isang kanta na mula sa kanyang munting isip.
Isinilang ang Kayong Dalawa Lang na ginawan na rin ng music video para sa mga ikakasal.
Nakapaglaro na ang munting isip ni Kryzl ng bale handog niya sa lovebirds sa nasabing awit. Na inilunsad pa sa Tikme Dine Restaurant para mapakinggan ng media.
Kasali siya sa naturang video as the little bride.
Things continue a-brimming for the young CEO.
Nag-eenjoy pa rin naman siya with the things that a nine-year old like her is supposed to do.
Saan niya tayo talo?
Nine year old na alam na kung ano ang time management. Hello! For studies. Music. Purple Hearts.
At marunong sumagot nang inusisa about lovelife!
“No comment!”
So fun to be with this little girl Boss!!!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com