Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lito Lapid

Sen Lito minamaliit, pero working legislator: naghain ng 71 Bills, 14 Resolutions

I-FLEX
ni Jun Nardo

MINALIIT man si Senador Lito Lapid nang mahalal na senador, dahil sa kakapusan ng pinag-aralan, hindi ito dahilan para sumuko siya dahil sa unang anim na taon niya bilang senador, marami siyang nagawang makabuluhan, na pinagtataasan ng kilay ng mga hindi bilib sa kanya.

Pinatunayan ng Senador na isa iyang working legislator: Isa sa top performing senators; ika-apat sa mga senador na may pinakamaraming nailatag na bills at resolutioons sa 14th Congress.

Isa rito ang Free Legal Assitance Act of 2010 na nagbibigay sa mahihirap ng libre at de-kalidad na serbisyong lega;l. ang Bida na Masa upang iangat ang living standard ng mahihirap. At sa pagtatapos ng 16th Congress, nakapaglatag ang senador ng 239 bills/resolutions – patibay na siya a ng Fifth Most Prolific Member of the Upper Chamber.

Mahal ni Senator Lito ang masa na nagluklok sa kanya at hindi siya marunong makalimot. Patunay ang lagi niyang paghahandog ng regalo sa media tuwing Pasko gaya ng ginawa kamakailan ng anak niyang si General Manager Mark Lapid na ipamamana na niya ang pagiging senador niya after ng term niya sa 2028. 

Mabuhay kayo, Senator Lito at GM Mark!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …