I-FLEX
ni Jun Nardo
BAKIT kaya may money issues ang ABS CBN sa TV5? May lumalabas namang posts na malaki raw ang kinikita nila at parang makababawi na?
‘Pag natuloy ang pagsasara ng pinto ng TV5 sa shows ng ABS-CBN, saan sila pupuntang free TV? Online na lang dahil ang claim nila eh kumikita naman.
Teka, mabuti at walang money issues ang It’s Showtime sa GMA7? Regular ba silang nakababayad para umere pa rin sa Kapuso channel ang noontime show nila?
May pambayad sa GMA pero walang pambayad sa TV5? Unfair, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com