Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica papalakpakan sa Unmarry

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALA namang violent reaction ang asawa ni Angelica Pangiban nang sabihin nito ang offer na gumawa siya ng movie.

Eh hindi niya puwedeng tanggihan ang offer ni Atty. Joji Alonso na pagbidahan ang filmfest movie na Unmarry kaya pinayagan siya ng asawa.

Pero nang umuwi si Angelica na may dalang cheke, sinabihan siya ng asawa na gumawa uli ng pelikula.

Malaking factor na ‘yung si Zanjoe (Marudoang kapareha ko. Marami na kaming pinagsamahang projects.

At iba na rin ang pananaw namin sa buhay. Dati kapag tapos na ang shooting o taping, lalabas pa kami, Iinom at inaabot ng halos umaga na.

“Ngayon, kapag tapos na ang work, nagmamadaling umuwi para makita ang anak. Matagal ko rin kasing hinintay ang ganitong buhay na may pamilya,” chika ni Angelica sa mediacon ng movie.

Kahit matagal nang nabakante sa paggawa ng pelikula, mahusay pa rin si Angelica lalo na sa mga matitinding drama ng Unmarry na sa trailer pa lang eh, papalakpakan mo siya. Kasama rin sa movie nina Angelica at Zanjoe sina Tom Rodriguez, Nico Antonio, ang child actor na si Zac Sibug at Eugene Domingo. Mula sa direksiyon ng award-winning director na si Jeffrey Jeturian, ang Unmarry ay mapapanood sa December 25.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …