I-FLEX
ni Jun Nardo
PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula na Bar Boys After School. Nakilala si Emilio sa Pinoy Big Brother Collab kahit kapatid niya ang Kapuso actor na si Mikael Daez.
Natural na kinabahan si Emilio bago ang salang sa shoot. Eh after ng workshops na ginawa niya bago ang shoot, inakala niyang walk in the park lang ang role niya, huh! Nagkamali si Emilio.
Ayon kay direk Kip, isa sa hightlights ng filmfest movie, ang paghagulgol nito nang matagal, huh! Naitawid naman ito ni Emilio with flying colors, huh.
Isa sa dagdag na cast si Emilio sa sequel ng movie na box office hit nang maging entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino.
Kasama pa rin ang OG cast na sina Odette Khan, Carlo Aquino, Kean Cipriano, Rocco Nacino, Enzo Pineda at ang dagdag na male cast na sina Wil Ashley, Benedix Ramos, at Bryce Eusebio.
Ayon kay direk Kip, hindi preachy ang movie dahil isa itong barkadahan movie na law school ang setting.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com