I-FLEX
ni Jun Nardo
TOTOO na ang pagbabalik sa TV ni Willie Revillame! Nagkapirmahan na ng kontrata between Willie and TV5 bosses.
Take note, magsisimula ngayong araw, December 1, ang Wilyonaryo show ni Willie mula Lunes hanggang Linggo.
Bukod sa Wilyonaryo, magkakaroon din ng sariling channel si Willie sa Cignal TV. Naganap ang pirmahan ng kontrata last Friday.
So, marami na namang matutulungan si Willie na ayon sa pahayag niya eh araw-araw ay may milyonaryong mananalo sa kanyang show.
Wala pang ibang detalye sa Wilyonaryo. Ang mahalaga, hindi drawing ang muling pagbabalik ni Willie sa TV matapos tumakbong senador.
Congratulations.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com