I-FLEX
ni Jun Nardo
MULA sa paglalaro ng basketball, magsasanib-puwersa ang young singers na talaga namang pinagkakaguluhan ngayon.
Pinagsama ng Viva Live sina Rob Daniel, Arthur Nery, Amiel Sol, at Adie sa TARAAA sa Araneta Coliseum sa December 5.
Sa apat, tanging si Nery ang nakapuno ng Araneta. Kaya excited ang tatlo dahil unang beses nila sa ganito kalaking concert.
Bukod sa hit songs nilang apat, may kantang inihahabol para sa concert para sa kanilang apat.
Aba, not just one but four talented singers ang haharana at magpapakilig sa lahat ng manonood ng TARAAA sa Araneta.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com