I-FLEX
ni Jun Nardo
MARUNONG gumawa ng ingay o marahil ay masunurin sa bumubuyo sa kanya itong baguhang Sparkle artist na si Eman Pacquiao, huh!
Inagawan ni Eman ng eksena ang stars na dumalo sa premiere night ng GMA Pictures’s KMJS’s Gabi ng Lagim last Monday.
Ang pagbati sa isa sa lead stars ng movie na si Jillian Ward ang dahilan ng pagpunta niya sa preem. Siyempre, bida sa red carpet sina Jillian at Emman na first time magkita in person.
Aminado si Eman na crush niya si Jillian kaya naman magandang first move ang pagdalo sa preem ng anak ni Manny Pacquiao kaya talk of the town siya, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com