I-FLEX
ni Jun Nardo
NANGUNGUNA si Sharon Cuneta sa mga leading lady na gusto ni Senator Robin Padilla para makasamang muli sa pagbabalik-pelikula.
“’Yun ang gusto ni Boss Vic (del Rosario). Pinag-uusapan namin ang part two ng movie naming ‘Maging Sino Ka Man.’
“Pangalawa si Vina Morales. Dahil sa ‘Ang Utol Kong Hoodlum’ naman na ginawa namin,” saad ni Sen Robin na nagbabalik sa Viva Films na humubog sa pagiging top action star ng bansa.
Ang part 3 ng movie niyang Bad Boy ang una niyang gagawin sa partnership nila ni Boss Vic.
Dahil ang yumaong action star na si Ace Vergel ang nagpamana sa kanya ng bad boy image, gusto naman niyang sa pamangkin na si Daniel Padilla ang sumunod sa yapak niya.
“Dapat kasi ‘yung angas, natural. Hindi ‘yung ipinagagawa lang ng director. Hindi na in love si Daniel at nakita ko ang ‘Incognito niya,’ puwede kong ipamana sa kanya ang pagiging Bad Boy ko sa pelikula,”rason ni Robin.
Hindi naman hadlang sa paging public servant ni Robin ang image na bad boy sa movie.
“Alam naman ng lahat ang pinagdaanan ko. Pero iba na ngayon. Kung gusto mong maiba, maging good ka!” diin ni Senator Robin na muling mapapanood sa big screen.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com