I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKATUTUWANG malaman na hindi pa man nai-stage ang Get, Get Aw The Sex Bomb Concert sa Araneta Coliseum sa Dcember 4 Thursday, aba, sold out na agad ito at may round two na sa December 9 sa mas malaking venue na, Mall of Asia Arena, huh!
Kaya naman pinaghahandaan na rin ng SBG ang bagong production numbers for MOA Take Two at bago ang set of guests.
Proud kaming maging bahagi ng kasikatan noon at hanggang ngayon ng Sex Bomb Girls. Mula sa pagiging dancers eh sumalang sila sa TV thru Daisy Siete at Regal movie na Bakit Papa.
Of course, malaking tulong sa pagsikat at pagiging magaling na dancers, singers, at actresses ang manager-discoverer nilang si Jay Cancio.
Sa ngayon ay may sari-sarili nang career ang SBG gaya nina Rochelle, Mia, Aira, at iba pa. Negosyante na rin ang iba sa kanila gaya nina Mia at Sugar Mercado.
Kaya naman sa pagsasama-sama ng Sex Bomb Girls sa December 4 at 9, makisabay tayo sa pagsigaw ng, “Get, Get Aw!!!”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com