I-FLEX
ni Jun Nardo
PABORITONG client ng isang accessories store sa Greenhills ang Sparkle artist na si Heart Evangelista.
Maliit na store lang ito at hindi masyadong mamahalin ang tinda. Eh nang matuklasan ito ni Heart, at ginamit ang accessories nito, lumakas ang benta lalo na kapag posted sa kanyang social media.
Kaya kapag may bagong dating sa store, tinatawagan agad si Heart para i-post.
At sa tuwing dumarating si Heart sa store, isinasara ng may-ari ang store dahil nagkakagulo sa labas kapag nalalamang nasa loob si Heart!
Of course, guwardyado naman si Heart na willing makasama sa picture ang mga tao.
Kapag si Heart kasi ang ang gumagamit, lumalabas na mamahalin ang mga ito. Kaya paborito siyang endorser hanggang ngayon!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com