I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKATAKDA nang bumalik sa trabaho sa showbiz si Heart Evangelista sa January. Pero hindi muna siya sasabak sa teleserye dahil ang art show niyang Heart World ang ipagpapatuloy niya.
Pero alam ba ninyong tuloy pa rin ang suporta kay Heart ng brands na kumukuha sa kanya? Matagal na pala silang bilib kay Heart at kahit walang regular na income sa TV eh kumikita rin siya sa brands na kanyang ipino-post.
Iniisip kasi ng mga netizen na mula sa pera ni Heart ang mga ipino-post niyang luxury brands, huh! Pero hindi kanya ang mga ‘yon!
Modelo lang siya dahil subok na ng mga brand na kapag si Heart ang nag-endorse, siguradong patok sa mga tao.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com