I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKAS sa social media ang Matt Monro clone na si Rouelle Carino kaya naman kahit hindi siya ang grand winner sa The Clones ng Eat Bulaga, nakuha naman niya ang People’s Choice Award.
Sa murang edad, ang boses ng music legend ang kanyang ginaya. Kakaiba rin siya na komikero ang dating kapag guest sa Bulaga at kinakausap ng Dabarkads.
Kung hindi man si Rouelle eh mayroong namamahala ng kanyang social media para ibalita ang ganap niya.
Eh dahil senior na kami, sarap na sarap kami na pakinggan siya habang kumakanta ng hit songs ni Matt Monro!
Of course, puwede rin siyang kumantan ng ibang kanta ng singers.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com