Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Matt Lozano Ysabel Ortega Celyne David Althea Ablan SRR Evil Origins

Matt Lozano ‘di gumamit ng impluwensiya  para makapag-artista 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

TAONG 1984 nang magsimulang manakot ang Regal Films ng matriarka nitong si Mother Lily Monteverde

Na nagpatuloy kada taon at iilan lang ‘yung taong lumiban sa pagsali sa Metro Manila Film Festival. 

Christmas time. Takutan! Horror!

At ang Regal ang nakakuha ng kiliti ng isang horror movie na hinahaluan din naman ng fantasy, action, at drama.

Lumisan man ang matriarka, ipinagpapatuloy naman ito ng kanyang anak na si Roselle at apong  si Keith.

This time, kwento pa rin ng mga aswang ang ipamamalas sa Trilogy ng SRR: Evil Origins.

Sari-saring mga kwento ang hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan ng mga sumubaybay sa Shake, Rattle and Roll.

Ayon kay Ms. Roselle, “Marami pang levels ng mga aswang ang hindi natin alam. Mula sa iba’t ibang panahon. Kaya magsisimjla ito sa  year 1775. Then ang present time natin na 2025. To the  distant past na 1050. Magkapatid na Madre trying to escape from the Beaterio ang mga kabataan in today’s generation. And how  can we be left to fend for ourselves in the year 2050.” 

Dagdag pa nga ng butihing prodyuser,  base rin sa saliksik ng kanilang writers, new fears will be shown in the movie. 

“So, expect to see a new breed of aswangs!”

Three pocket presscons were held to introduce the cast.

Sa una, the Gen Z kumbaga featuring Matt Lozano, Ysabel Ortega, Celyne David and Althea Ablan.

Dalawa ang nagmula sa mundo ng showbiz ang mga magulang. Sina Matt at Ysabel. 

Na nagkakaisa naman sa pagsasabing dinaanan nila ang mga hirap at hindi ginamit ang  pangalang taglay nila.

Maliit pa lang si Matt, nakakaray na siya ng ama’t ina sa mga pelikulang hinahawakan ang mga produksiyon. At ang nasirang Douglas Quijano ang nagsilbing anghel niya para siya igiya kung sakaling mapili niyang pasukin ang showbiz. Ayaw niya kasi noong una.

Si Ysabel, guided and  grounded. Sinubaybayan ang galaw ng mga magulang. Kaya naihandang mabuti ang sarili nang pumasok na sa pag-aartista.

Sa isang episode matutunghayan sina Carla Abellana at Loisa Andalio. Sa trailer titili ka na sa mga madre sa kanilang Beaterio.

At sa ikatlo naman ang tambalang titilian kahit hindi katatakutan, ang FranSeth (Francine Diaz at Seth Fedelin).

Maski kami kinilig sa sinabi nilang wala pang label na pagkakaibigan.

Tuwing Pasko, basta may MMFF, may bata kasama ang kanyang pamilyang hahanap pa rin ng excitement na dulot ng isang pelikulang may kabuluhan ang katatakutan!

Ito na nga ‘yun! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …