I-FLEX
ni Jun Nardo
WALA pa namang plano ang GMA Network na pumasok sa micro-drama. Kumalat ito sa social media pero nang tanungin namin ang isa sa executive ng Kapuso Network, wala raw silang alam tungkol dito.
Nauuso ngayon ang micro drama na sa vertical streaming mapapanood. Pero short clips lang ng episode ang mapapanood.
Sinimulan ito ng Viva Movie Box. Pawang originals ang mapapanood dito sa murang halaga.
Soon, malamang na pasukin din ng GMA ang vertical streaming lalo na’t pinapasok na ng advertisers angt digital programs, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com