HARD TALK
ni Pilar Mateo
ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista ang itinutulak din sa pagiging loveteam nila na sina Seth Fedelin at Francine Diaz.
Dumaan ang mga araw at buwan na sa bawat ginagawa nilang proyekto, mas tumitibay ang kanilang pagsasama.
Teka! Amg pagsasamang ‘yun daw ay bilang magkaibigan. ‘Di nilalagyan ng marka o tatak.
Kaya rin siguro nagiging matindi ang kilig ng mga manonood sa kanila kasama na ang kanilang mga taga-suportang tagahanga ay wala sa bokabularyo nila ang maging masikreto.
Sa idinaos na pocket presscon nila para sa MMFF 2025 entry ng Regal Films na SRR: Evil Originshindi man diretsahan at tahasang may inaamim ang dalawa, mararamdaman sa kanilang mga salita at kilos na pansin nga ng isanh editor eh “palpable” act.
Palpable kasi it’s, “of a feeling or atmosphere so intense as to see almost tangible.”
Naintindihan?
Si Seth ang halos umamin na sa damdamin niya para kay Francine. Pero sa salita naman nito, malinaw na dalawang oras sa cellphone at tatlong oras sa harapan nila napag-uusapan ang mga bagay na dapat naman eh, pinaplano. At kung mangyari nga raw ‘yung hinihintay, na marinig ng lahat, he will be the proudest guy in the world.
Sa ngayon, focused sila. At ang laki ng pasasalamat sa Regal Films dahil noon pa man pala eh binabantayan na sila para malinya sa mga kasunod na proyekto rito.
Nasa My Future You pa lang sila, na kasali rin sa Metro Manila Film Festival, sinabihan na sila ni Ms. Roselle Monteverde na isasama sila sa pagbabalik ng SRR sa MMFF!
Nakatatakot. Mananakot.
Gusto nila ang karakter na ginampanan sa pelikula
Bata pa lang si Fancine, bukas na ang kanyang third eye. Kaya marami siyang bagay na nakikita at nadarama. Sa kalaunan ay naisara na nito kaya naman, ‘di ito natitinag kung katatakutan din lang ang usapan.
In-enjoy nila ang pagtapos sa pelikula. Although si Seth, ininda ang pisikal na kinailangan sa trabaho niya. Kaya ang tulog niya ay sa sasakyan na lang dahil lagare na sila sa mga madugong araw at gabi sa skeds nila. Pero matutuwa ang producers sa kanila dahil alam nila kung paano mahalin ang trabaho nila.
The movie na magpapakita sa tatlong magkakaibang panahon ng pagdaong ng kasamaan sa mundo will take us again on a rollercoaster ride as it takes us to 1764 to the present to the not so distant future of the year 2050!
Mom and son Roselle and Keith are just so proud of the outcome of another special treat for the whole family this Christmas!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com