MASAYA at maningning na isinagawa ang Christmas Tree Lighting ng Gateway Mall 2 sa Quantum Skyview, Araneta City, nitong Biyernes, Nobyembre 7, 2025.
Pormal nang sinimulan ang panahon ng Kapaskuhan sa “City of Firsts,” tampok ang pagtatanghal ni Asia’s Diamond Soul Siren Nina at ang mga reigning Binibining Pilipinas Queens.
Naging bahagi rin ng masayang pagtitipon ang pagtatanghal mula sa grupong Quadlips at Madison Events. Kabilang sa mga dumalo at nanguna sa pag-iilaw ng Christmas Tree si Quezon City Mayor Joy Belmonte at iba pang opisyal ng Quezon City Local Government Unit (LGU).
Ang nagsilbing emcee ng kaganapan ay si Katrina Johnson, ang kasalukuyang Binibining Pilipinas International 2025. (HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com