Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Viva Movie Box

Viva naglaan ng P1-B para sa VMB content

I-FLEX
ni Jun Nardo

TUMATAGINTING na P1-B ang inilaan ng Viva Films para sa lahat ng contents na gagawin nito para sa taong 2026.

Inilahad ito ni Valerie  Salvador-del Rosario, President and Chief Operating Officer, Studio Viva. Inc. na pinamumunuan din ang project na Viva Movie Box na kabilang sa matagumpay na VMX at Viva One.

“With Viva Movie  Box, we are effectively translating our established expertise  in serialized drama into a new digital medium…

“This vertical format shows allows us to be highly relevant to the next generation of viewers, ensuring our stories are accessible and engaging wherever they are!” lahad ni Valerie sa launching ng Viva Movie Box.

Isa hanggang dalawang minuto mapapanood ang bawat episode sa seriealized content na tinatawag ngayon na micro drama.

Sa halagang P59.00 a week, mapapanood  ang initial line up ng local original titles gaya ng Akin Ka Lang, Elisa: Batang Kabit. She’s Not My Sister, Inagaw Na Anak, Love Forbids at iba pa.

Mayroon ding well loved Asian micro drama at marami pang originals featuring Viva stars.

Available for download sa Google at Apple amg VMB: Viva Movie Box.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …