I-FLEX
ni Jun Nardo
INAANTOK habang bina-blocking ni direk Jeffrey Jeturian ang idinirehe niyang si Angelica Panganiban sa isang series.
Inilahad ito ng director sa interview ni Allan Diones sa kanyang YouTube. Hindi naman daw niya ito pinagalitan dahil hindi naman niya ugali ‘yon.
“Pero nakatulong siguro ‘yung pagiging nanay na niya kaya nag-mature na siya. But I admire her sa batch nila gaya ni Jodi Santa Maria.
“She very good here sa comeback movie niyang ‘Unmarry’ gaya ni Zanjoe Marudo na kapareha niya, ” pahayag ni direk Jeffrey.
Taong 2013 pa ang last film ni direk Jeturian, ang Ekstra ni Gov. Vilma Santos-Recto. Isa sa entries ng 2025 Metro Manila Film Festival ang Unmarry mula sa Quantum Films at Cineko.
Alamin kung paano at ano ang epekto ng annulment sa dalawang taong nagmamahalan sa Unmarry.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com