Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NUJP PTFoMS

PTFoMS, iimbestigahan banta ni Patidongan laban sa TV reporter

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) sa sinabing pagbabanta ni Julie “Dondon” Patidongan, ang tinaguriang ‘self-proclaimed whistleblower’ sa kaso ng mga nawawalang sabungero, laban sa isang TV news reporter na nagko-cover ng naturang isyu.

Ayon kay PTFoMS Executive Director Undersecretary Jose Torres Jr., nakipag-ugnayan na ang ahensiya kay Gary De Leon, correspondent ng ABC-5, na siya mismong nakaranas ng pagbabanta.

Unang ipinaabot sa PTFoMS ang insidente ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) matapos humingi ng tulong si De Leon sa grupo kaugnay ng banta sa kanyang buhay mula kay Patidongan.

Batay sa ulat ng NUJP, naganap ang pagbabanta noong 27 Oktubre 2025, nang subukan ni De Leon na kunin ang panig ni Patidongan at ng kanyang mga abogado hinggil sa isang ulat na kanyang ginagawa tungkol sa kaso.

Sa pahayag ng NUJP, kinondena ng grupo ang insidente at iginiit na patunay ito na patuloy na nalalagay sa panganib ang mga mamamahayag sa bansa na tapat na ginagampanan ang kanilang tungkulin. Hinikayat nila ang lahat ng media organization na magpatupad ng mga safety protocols para sa kanilang mga reporter.

Ibinahagi ni De Leon sa NUJP at PTFoMS na tinawag siya ni Patidongan na “biased at bayaran,” bagay na mariin niyang itinanggi.

Inaasahan ng PTFoMS na matatanggap nila ang opisyal na salaysay ni De Leon sa oras na maisumite niya ang kanyang affidavit hinggil sa insidente.

Sa kasalukuyan, nasa Roxas City si De Leon para mag-cover ng mga kaganapan matapos ang pananalasa ng bagyong Tino. Nakatakda siyang magsumite ng pormal na reklamo laban kay Patidongan pagbalik niya sa Maynila. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Son

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …