Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista Chiz Escudero

Alphaland nilinaw Chiz, Heart walang ari-arian

I-FLEX
ni Jun Nardo

WALANG pagmamay-ari o anumang ari-arian sa loob ng Alphaland Baguio Mountain Lodges (ABML) si Sen Chiz Escudero ayon sa pamunuan nito.

Pinalabas kasi sa social media na may pag-aari rito si Senator Chiz dahil hindi niya ito isinama sa kanyang Stament of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) na isinumite.

Hindi inilalabas ng pamunuan ang pangalan ng may-ari ng mga bahay para sa privacy at security. Pero napatunayan nilang walang bahay na nakalista sa pangalan ng senador o anumang kompanya associated with him.

Dadag nila, paminsan-minsan eh occasionally bumibisita ang pamilya ng senador sa lugar na nakikita sa posts sa social media ng mga kasama.

Mrs. Escudero (Heart), being a long time member of Alphaland Balesin Island Club, is allowed the privilege  to use the facilities of  ABML,” dagdag ng ABML official.

Sa Quezon Province naman ang Balesin Island under Alphaland Corporation.

Walang deklarasyon tungkol dito si Senator Chiz dahil wala siyang pag-aari sa Alphaland at may pre-nuptial agreement sila ng asawang si Heart Escudero kaya hindi puwedeng may share ang senador sa pag-aari ng kabiyak.

So, maliwanag na, huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …