Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sassa Gurl MTRCB VIVA

VIVA ipinatawag ng MTRCB dahil sa pagmumura ng content creator

ni Allan Sancon

IPINATAWAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Viva Communications, Inc. para sa isang pag-uusap matapos kumalat  sa social media ang isang video post ni Sassa Gurl na nagmura laban sa ahensiya  na naganap noong  premiere night ng Dreamboi,  isang kalahok sa katatapos na CineSilip Film Festival 2025.

Ayon sa MTRCB, ang pahayag ng content creator ay isang kawalang-respeto sa institusyon at sa mga taong nagsisilbi sa likod ng board.

Sa liham ng MTRCB  na may petsang Oktubre 23 na ipinadala kay Viva President Vincent G. Del Rosario, sinabi ng MTRCB na layunin ng pagpupulong na itaguyod ang pagkakaunawaan at ang pagiging responsable sa mga pampublikong kaganapan. 

Narito ang nilalaman ng sulat:

In line with our Responsableng Panonood campaign and our vision for healthy collaborative practices with our stakeholders, we would like to invite you for a dialogue on the said report.

Habang iginagalang namin ang kalayaan sa pagpapahayag, tinitingnan ng ahensiya na may lubos na pag-aalala ang paggamit ng mga salitang nagpapakita ng kawalan ng respeto sa mga pampublikong institusyon at sa mga pamantayang gumagabay sa angkop na klasipikasyon ng pelikula.”

Ang pag-uusap ay magaganap bukas,  Nobyembre 4. Ito ay  magsisilbing plataporma para sa isang bukas at positibong pag-uusap para higit pang mapagtibay ang propesyonalismo at pananagutan sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …