Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Manny Pacquiao MannyPay

Pacman inilunsad Manny Pay

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA ginanap na grand launch ng Manny Pay na pag-aari ng world boxing champion na si dating Senador Manny Pacquiao (katuwang si Marc Bundalian), hindi naialis ang mga tanong sa Pambansang Kamao sa pagkakapanalo ng kanyang isa pang anak na si Eman sa larangan ng boxing. 

Na sinasabing siya ng susunod sa kanyang yapak.

Very proud ako siyempre sa kanyang tinatamo ngayon. At ang advice ko lang sa kanya ay ang pag-focus sa ginagawa niya ngayon.”

Maski ang kabiyak ng puso ni Manny na si Jinkee ay todo rin ang suporta sa itinuturing niya na ring anak. Dahil sumaksi ito sa laban ng binata kasama si Manny. 

Hindi pa ipinapanganak si Manny noong Oktubre 1, 1975 nang lumaban sa Thrilla in Manila ang greatest boxer ng kanyang panahon na si Muhammad Ali (na isang mall (Ali Mall) ang ipinangalan sa kanya at  binuksan niya). Idinaos ang pagdiriwang in memory of Ali sa Big Dome na nakipagtunggali kay Joe Frrazer na dumalo ang senador dito.

Hindi pa ako ipinapanganak noon. Pero sa career ko kinilala at tiningala ko siya bilang isa sa aking naging inspirasyson. Oo nakausap ko ang kaanak niya na dumalo rin sa nasabing event. At proud din ako na maanyayahan sa  pagdiriwang nila at makita ang marami pang boxers natin na nagpakita ng kanilang mga laban.”

Samantala, ang paglunsad nila ni Marc ng isa pang payment system ( na hindi naman maituturing na kalaban ng mga existing payment apps na) para sa Filipino ay magbibigay din ng kaalwanan sa ating mga kababayan dahil unang siniguro nila ay ang pagiging secure nito. Na malayo sa scams, phishing at kung ano pa mang panloloko sa paggamit ng salapi sa nasabing app.

Kaya pala ito tinawag na Manny Pay eh dahil sa tuwing lalabas sina Manny at Marc at mga kaibigan  ay si Manny lagi ang nagpe-pay ng bill nila.

Bumilang na rin naman pala ng taon bago tuluyang nabuo ang partnership nila. At ang proyekto. At kamakailan nga kasama ang iba pang stakeholders (gaya ni Enrique Razon) nilagdaan na ang kanilang Memorandum of Agreement para sa Manny Pay.  

Hanapin at i-download at i-scan ang  Manny Pay. Mag-sign up. At simulan na itong gamitin.

At kayo na ang magko-control sa inyong salapi. For mass payouts. Recurring payment.  Payment gateway.

Ayon pa sa Pambansamg Kamao, “Pagbibigay ginhawa ito para sa pagbabayad natin sa ating tubig, koryente at iba pang mga serbisyo. Kaya gusto naming makatulong sa ikagiginhawa ng bawat Filipino na sisiguruhing maiingatan ang pangangailangan nila sa ating digital payment.”

Kulang na lang manggalaiti ang dating senador tungkol sa nagiigng kalagayan ng bansa noon.

Matagal ko na sinasabi ang tungkol sa korapsyon na ‘yan. At wala namang naniwala sa akin. Kaya ayan ngayon. Hindi nila ako pinapansin at ang mga sinasabi ko.”

Pero ang siguradong magpapasaya kay Manny lalo sa pagdating ng Kapaskuhan ay ang biyayanag maibibigay sa kanila ni Jinkee sa pagdating ng magiging apo nilang babae sa panganay nilang anak.

Gusto kong itawag sa akin? Daddy! Mukha ba akong Lolo? Hindi pa, ‘di ba?,” natatawa nitong tugon.

Kasama nila ni Jinkee ang bunsong si Israel sa nasabing event.

Mas maayos na transaksiyon na ang naghihintay sa ating mga palad. Click na. At i-experience ang all-in-one financial platform na inihahain sa atin ng Manny Pay.  Nina Marc at Sir Manny! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …