Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Goma magiging aktibong muli sa showbiz

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PITONG TAON. Iniwanan muna ang mundo ng showbiz. Nagsilbi bilang isang serbisyo publiko sa Ormoc. Sa bayan ng kanyang asawang kaisa sa pinangakuang obligasyon sa bayan.

Si Richard Gomez. Ang guwapong aktor. Matikas na modelo. Effective  endorser. Masinop na businessman.

Bumabalik! Sa pamamagitan ng pelikulang “

Salvageland na idinirehe ni Lino Cayetano at ang sumulat na si Shugo Praigo.

Nagpatikim pa lang naman sa ilang media. Ng teaser/trailer. 

When I read the script, sabi ko ang ganda nito. Kaya tinanggap ko. Kaya alam ko na maipagmamalaki namin ang project.”

In the midst of chaos in politics, where is Richard Gomez?

Good thing naging busy na ako sa pelikula. Kung hindi naman din ako kailangan. Ginagawa ko na lang ang tasks ko. Ang mga bashing, ‘di ko na iniintindi kasi sasabihin naman nila ang gusto nilang masabi at marinig. I did a movie. Eto na ‘yun.”

Alam mong na-miss ni Cong. Goma ang showbiz.  Mula pa lang nang dumating siya sa FisherMall at umupo na sa  grupo nila ng co-stars niya at ni direk, hindi na nito kami binitawan. Kaya kinig-kinig ako sa mga usapan about the movie.

Nang intebyuhan na at makita ang isang beteranong reporter (si Jun Nardo) tumulo ang luha. Umiyak!  Hindi raw niya napigilan nang makita ang mga OGs. Mercy Lejarde. Dolly Anne Carvajal at iba pa.

Ewan ko. Na-miss ko kayo. Ganito tayo noon. Kaya nga gusto ko bumalik sa paggawa ng pelikula. Nagkakasama-sama tayo. Nagkikita. Nagkakausap. Na-miss ko lang kayo… Siyempre ang tagal kong artista, ‘di ba… masarap bumalik sa home turf.”

Ipinasilip sa amin ang teaser/trailer. 

Mount Pinatubo. Roon may hinahanap ang mag-amang pulis. Sa mga na-salvage. At doon pa lang magsisimula na ang bakbakan. Kung sino ang matira-matibay.

Mukhang masususundan agad ang kanyang ginawa.

Masarap, masaya sa pelikula,, eh.

Actually sa politics, masaya lang ‘yung politics kapag nandoon ka sa district mo kasi you’re able to bring projects. Nadadala mo ‘yung mga program para sa mga tao.

“Pero in Congress, okay lang. It’s like school pero iba kapag nasa bahay ka.

Rito naman sa showbiz, nami-miss ko ‘yung mga tsika-tsika.

“Kung ano ‘yung mga accomplishment ko, kung ano ‘yung mga magagandang nagagawa ko now, the people know that because I am a politician.

“At naging politician naman ako dahil sa pag-aartista ko.”

Tapos na ang presscon. Tsika-tsikahan na lang. Hindi pa nagpapaalam si Goma. Marami pa ring gustong mga tsika. Just like the old times.

Kaya malamang ang  next na kwentuhan na eh, doon naman uli sa Ormoc. With Lucy and Juliana.

Ang sigurado kami, ang solid na pagsasama-sama nila ngayon sa Salvageland  at isang magandang pelikula ang aasa na namang panoorin ng bansa. Napapanahon kasi ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …