Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Gomez Elijah Canlas Salvage Land

Richard na-miss ang showbiz, nahirapang mag-memorize

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAHIRAPAN si Congressman Richard Gomez sa pagme-memorize sa mahahabang linya sa comeback film niyang Salvage Land.

Ang pelikulang Three Words To Forever with Sharon Cuneta ang huli niyang ginawa. Kasama niya this time ang batang aktor na si Elijah Canlas.

Magaling pala! I had the time to watch his play sa Ateneo with Agot Isidro , ‘yung ‘Dagitab,” ani Richard.

Aminado siyang na-miss niya ang acting,

I miss acting. In fact, noong first two days ko, sinabi ko, kailangan kong mag-warm up. Ang tagal kong hindi naging artista!

“Eh ‘yung trabaho namin, you have to memorize lines kaya noong first two days ko, hirap na hirap ako mag-memorize.

“Re-read, re-read hanggang nakuha ko na ‘yung routine!” pahayag ni Goma.

Paglingon ni Richard at nakita kami, sabi niya, “Jun Nardo, ikaw ba ‘yan? Sabay pahid ng luha sa mata at tuluyan nang lumuha.

“Na-miss ko kayo! Lumaki ako sa showbiz kaya masarap makitang muli ang mga taong nakasama mo ng ilang taon!” pagmamalaki ni Cong Richard at saka tuluyang nagkuwento tungkol sa movie na mapapanood sa sinehan sa  November 26 na idinirehe ni Lino Cayetano na nakikita niya si Richard sa UP noon na nag-aaral.

Welcome back, Richard Gomez!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …