I-FLEX
ni Jun Nardo
KAPANSIN-PANSIN ang angas ng isa sa teen Pinoy Big Brother 2.0 housemates nang pumasok ang ilan sa mga ito sa Bahay ni Kuya.
Palinga-linga sa laman ng loob ng bahay na inaalam marahil kung kompleto ba ang laman kompara sa totoong bahay nila.
Pero ang pinaka-classic na naapektuhan sa pag-reveal kung sino pa ang dagdag na housemates ay si Sparkle artist Charlie Fleming na PBB alumnus.
Sa TikTok account, makikita ang video ni Charlie na kiyemeng humahagulgol dahil sa pagkuha ni Kuya sa mga kaibigan niya.
Kung kailan daw siya nawala sa bahay, at saka naman pumasok ang mga kaibigan niya.
Hindi pa nga nagtatagal ang nakaraang PBB Collab, heto muli ang bagong batch ng housemates na puro Gen Z!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com