Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fyre Squad

Fyre tutulungan mga kabataang nangangarap mag-artista

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NAPAAGA kami ng dating sa grand launch ng bagong artist talent academy and management na FYRE SQUAD sa Great Eastern Hotel kamakailan.

Naglisawan ang ‘sangkaterbang bata! Kasama ang kani-kanilang magulang at guardians, dressed to the nines ‘ika nga ang mga ito. Made up. Dolled up.

Nakaharap namin ang 13 years old na si Rob. May itsura si bagets. Yes, sing and dance ang talent niya. Mahiyain pa. Pero nang sumampa na ito sa entablado kalaunan at pormal na ipakilala, napaka-tatas magsalita at magbigay ng nararamdaman sa mga sagot  niya sa tanong ng media.

Sa bulwagan, nasa kanya-kanya ng mesa at upuan ang artists. At ang magsisilagda ng kontrata ng gabing iyon.

Nasa likod namin ang napansing mga bata na napapagitnaan ng kanilang ina. Si Angel ang nakausap namin. Pagtingin namin sa isa kawangki niya. Ang kakambal na si Alyana. Walong taong gulang. Naaliw kami sa kanila. This early kitang-kita na ang pagkakaiba sa ugali.

Napaka-friendly ng kausap namin at pala-ngiti.  Matatas din sumagot sa mga inusisa namin. Taga-BGC sila. Oo sa Taguig. Nag-aaral sa Rizal School. At idolo sina Anne Curtis at Judy Ann Santos. Oo, kanta at sayaw din sila.

Kinalimutan muna namin si kambal na ayaw makipag-usap at ngumiti.

Program proper. Umakyat na sa entablado ang ipapakilalang mga bata. Hindi naman daw frontliners pero sila ang napili sa mga unang lalagda ng kontrata ng gabing ‘yun.

Naroon si Rob.  Na nagsabing huwag pansinin ang bashers kung magkakaroon man siya. Ang pangalang Atarah ang natandaan na mukhang genius dahil sa suot na salamin. Siya naman ay 12-anyos. Na nangangarap maging isang Coco Martin at makatrabaho ito. Dahil gustong maging direktor. 

May nagsabi na gusto niyang mag-artista para makatulong sa pamilya. 

Natanong namin ang may pasimuno at humahawak ng FYRE  (na ang kahulugan ng mga letra ay Flame of Youth and Radiance of Expression) SQUAD.  Sa magiging  pakikipagtrabaho sa mga magulang ng mga bata bilang mga menor de edad pa ang mga ito. 

Base na rin sa rami ng nagsulputang mga artist management na sumemplang sa kalaunan dahil sa mga problemang kinaharap.

Maayos naman ang layunin ng founder nito na si Pao Ordona, ang katulong na direktor na si Renz Baron Flores, at Daniel Mark sa pagtataguyod sa may 70 kabataan sa kanilang kalinga.

Isang komunidad ang nasimulan na matatagpuan sa iba’t ibang sangay at pagkakaroon ng lugar na maibubulalas ng mga bata ang kanilang kaalaman lalo na sa sining. At kaagapay ang mga magulang sa pagkakaroon ng masusing intindihan sa paggabay sa mga bata.

Makikita naman na masaya at excited ang mga magulang ng mga batang nagsabing kusa nilang ginusto ang mapabilang sa FYRE SQUAD at hindi sila pinilit. 

Matatagpuan ang mga sangay ng FYRE SQUAD sa BGC Branch sa Bonifacio Civic Center Tower, sa Alabang branch naman sa Ayala Malls South Park Center, at sa Quezon City Branch naman sa Ayala Malls Fairview Terraces.. 

Nasa frontline ng kanilang ilulunsad na mga programa sina Ava, Rob, Cody, Atarah, Bienne, Brielle, Alisha, at Dione.

Kainan na habang kumanta ang Sparkle artist na si Wize Estabillo.

Uwian. Nabalingan namin sa likod uli ang kambal. Kakausapin namin sana muli ang kambal ni Angel. Ay! Same expression. Walang bahid ng ngiti. Natawa kami pareho ng mommy nila. Supladita!

Nagprisinta naman ang isa pang nanay at pinangiti sa phone ang anak. Na mas bata sa kambal. Charming youngster.

Ilan lang ‘yan sa mga aabangan natin sa FYRE SQUAD. 

Ang cute. Masaya pumasok sa mundo nila (uli at maging bata)!

Basta ang password- confidence, creativity and fun!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …