I-FLEX
ni Jun Nardo
DAGSA ang endorsements kay Sparkle artist Charlie Fleming. Bukod pa ito sa pelikulang natapos, ang series with Dingdong Dantes.
Si Charlie ang bagong brand ambassador ng Luxe Organic at IAM Worldwide. Napili rin siyang endorser ng National Bookstore.
Pagdating naman sa acting, katatapos lang niya mag-shoot ng horror film ng GMA at Mentorque na Huwag Kang Titingin at ongoing ang taping niya sa GMA Prime series na The Master Cutter with Dingdong na may bago siyang makaka-loveteam.
At least, after PBB Collab, malayo sa kontrobersiya si Charlie kompara sa ibang PBB Collab housemates, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com