I-FLEX
ni Jun Nardo
BENTANG-BENTA ang lambingan at harutan nina Bianca de Vera at Will Ashley sa katatapos na concert ng huli sa New Frontier Theater nitong mga nakaraang araw.
Kalat na kalat sa social media ang videos na kuha sa kanila sa stage habang nasa isang sofa, magkatabi, nagyakapan, at inihilig ni Bianca ang ulo sa balikat ni Will na hinaplos naman ng young actor.
Sa isang banda, ang ka-triangle naman nilang si Dustin Yu ay nasa Bacolod City para sa Masskara Festival. Fans ang kanyang kasama noong oras na magkasamang naglalambingan sa stage sina Will at Bianca!
‘Yun nga lang, kaagaw ni Will sa maraming posts sa social media ang panalo ni Emma Tiglao sa Miss Grand International 2025 bilang kinatawan ng bansa.
Pasabog ang evening gown ni Emma habang rumarampa!
Nagmula rin sa Pilipinas ang nakaraang taong winner ng nasabing pageant.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com