I-FLEX
ni Jun Nardo
NAKAGAWA pala ng pelikulang Lakambini si Lovi Poe na ginampanan niya ang character ni Gregoria de Jesus, asawa ng bayani nating si Andres Bonifacio.
Gumanap bilang si Bonifacio si Rocco Nacino habang kasama rin sa movie sina Paulo Avelino, Spanky Manikan, Gina Pareno, at Flora Espano.
Malamang, hindi pa buntis si Lovi nang gawin niya ang movie na ipalalabas sa November 5 mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian.
Bumagay kay Lovi ang character dahil sa kulay niyang kayumanggi. Sayang at parang inilihim ang movie niyang ito, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com