Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paula Merced Carmel B Vitug Miss Eco Teen International

Paula tiwalang maiuuwi tropeo sa Miss Eco Teen International 2025

HARD TALK
ni Pilar Mateo

PARA makakuha ng pwesto sa Top 10 finalist kailangan ng maraming boto sa online hanggang October 18, 2025, 6:00 p.m.

Kaya kung nais nating makabilang doon sa Miss Eco Teen International 2025 si Paula Merced Carmel B. Vitug, kakailanganin ng ating mga daliri na pumindot.

Sa missecoteeninternational.1voting.com. kapag nahanap na ang Philippines na may ngalan ni Paula, VOTE na ang iki-click at pipili ng voting package na pipiliin ang inyong payment channel at sasang-ayon sa mga kasunduan. At saka muling pipindutin ang VOTE NOW!

Mahalaga ang bawat boto para kay Paula, para sa Pilipinas. 

Mayroon ding eco tourism video ang ating kandidata sa YouTube.

Si Hon. Gerald D. Ortiz ang nagpasimula ng prangkisa ng Miss Eco Teen Philippines 2025 na nasa ilalim ng Mr. And Ms  Philippine Youth Organization. Para ma-empower ang kabataan tungo sa pagiging ambassador ng leadership, edukasyon, at mga adbokasiya sa pamamagitan ng pageantry.

Estudyante ng abogasya sa Pamantasan ng  Ateneo de Manila si Paula na kumukuha ng BS Legal Management. At nakopo nito ang dalawang titulo bilang Ms. Philippine Youth Tourism 2025 at  Miss Eco Teen Internstional 2025.

At ang puso naman niya ay nasa charity at pagkalinga sa kalikasan.

Malapit na ang laban nito sa Alexandria, Egypt. 

At handang-handa naman ang beauty and brains na sumabak sa panibagong hamon. 

Sa pakikipag-usap ng media kay Paula, very confident ang dalaga sa hamong kakaharapin. At mukhang ang kanyang ina ang  inspirasyon nito sa pagganap sa mga papel niya sa buhay. 

Kahit pa mas subsob sa pag-aaral niya ang dalaga, ang pageantry ang isang bagay na nagagawa niya ang mga adhikain sa buhay. 

Sa kabataan. Sa  Kalikasan.

Nawa’y maiputong sa kanya ang korona sa ika-pitong edisyon ng naturang patimpalak. Sa makasaysayang lugar ng Alexandria sa Ehipto na roon din matatagpuan ang mga Pyramid sa Giza.

Kaya ‘wag kaligtaang  bumoto, ha!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …