Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Project Loki Jayda Avanzado Dylan Menor

Jayda pinuri si Xian bilang direktor

ni Allan Sancon

ISA na namang Wattpad story ang bibigyangbuhay ng Viva One at Cignal Play, ang Project Loki, na isinulat ni AkoSilbarra na may mahigit 92 milyong nagbasa.

Ang serye ay ididirehe ng actor-turned-director na si Xian Lim, na unang sumabak bilang direktor sa TV matapos ang kanyang mga pelikulang Tabon (2019) at Kuman Thong (2024).

Tampok sa Project Loki sina Marco Gallo bilang Luthor Mendez, Jayda Avanzado bilang Lorelei Rios, at Dylan Menor bilang Loki Mendez. 

Kuwento ito ng isang dalagang lumipat sa Clark University at sumali sa QED Club, isang grupo ng mga estudyante na lumulutas ng mga misteryo at sikreto sa paaralan.

Ito ang kauna-unahang acting project ni Jayda simula nang pumasok ito sa Viva Artists Agency bilang kanilang bagong talent. Natuwa nga si Jayda na sa unang project niya  sa Viva ay si Xian ang magdidirehe sa kanya.

Napaka-swerte po naming cast members na si Xian Lim ang aming director, kasi his background as an actor, napaka-blessed po namin na he really understand us, our process so well. 

“Doon palang sa conversation namin together, when direk and I talked, hindi lang siya an actor to director,  kundi kapwa creative ko rin. Kasi  I’m also directing for music video naman, but in these particular scenario we’re talking about the soundtrack of these project na ako rin ang nagsulat,”pahayag ni Jayda.

Kasama rin sa cast sina Yumi Garcia bilang Jamie, Martin Venegas bilang Alistair, Kurt Delos Reyesbilang Stein Alberts, Ashley Diaz bilang Rosetta Rodriguez, Love Yauco bilang Margarette Fernandez, Michael Keith bilang Rye Rubio, Joanna Lara bilang Rhiannon Delos Reyes, at Iven Lim bilang Bastien Montreal.

Ang Project Loki ay likha ng Studio Viva, Media Quest Ventures, at Cignal, katuwang ang Webtoon Productions. Abangan ito sa Viva One at Cignal Play.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …