I-FLEX
ni Jun Nardo
LANTARAN na ang lambingan ng Kapuso artist na si Rita Daniela sa NCAA player na si Mclaude Guadana.
Kasama ni Rita si Mclaude nang tanggapin ang kanyang best actress award sa nakaraang Sinag Maynila.
Nagtataka tuloy ang netizens kung ano na ang nangyari sa isinampang kaso ni Rita laban sa actor na si Archie Alemania now na happy siya sa present lovelife?
Tuloy pa kaya niya eh naapektuhan ang work ni Archie dahil sa reklamo niya?
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com