I-FLEX
ni Jun Nardo
BALIK sa walo ang official entries para sa 2025 Metro Manila Film Festival na ginawang sampu last MMFF 2024.
Ang huling apat na official entries para sa December film festival base sa finished product eh ang mga pelikulang Unmarry na comeback film ni Angelica Panganiban at si Zanjoe Marrudo ang kapareha; Love You So Bad nina Will Ashley, Dustin Yu, at Bianca de Vera; I’m Perfect nina Lorna Tolentino, Janice de Belen , Sylvia Sanchez at mga baguhan na may Down Syndrome; at Bar Boys: After School nina Carlo Aquino, Rocco Nacino, Enzo Pineda, Kean Cipriano, Odette Khan, Sassa Gurl, Therese Malvar, Glaiza de Castro, Klarisse de Guzman, Will Ashley, at Benedix Ramos.
Ang apat na pelikulang unang napili base sa script ay ang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins; Call Me Mother; Manila’s Finest, at Rekonek.
Sa walong entries, mahuhulaan na kung anong pelikula ang lalabas na top grosser sa unang araw ng festival Sa December 25 base sa track record ng bida. Eh baka lumaban ang mga movie na tampok ang mga young star!
Makati City ang LGU na in-charge sa festival at bukod sa Parada ng mga Bituin, marami pang activities ang MMDA para sa maningning na 2025 Metro Manila Film Festival.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com