I-FLEX
ni Jun Nardo
ISANG emosyonal na Christmas song ang ihahatid ng Star Music ngayong Oktubre mula sa komposisyon ng de kalibreng kompositor na si Jonatan Manalo at bibigyang-buhay ng tinig ng Revival King na si Jojo Mendrez.
Swak na swak sa Pasko ang kanta niyang Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin at isa itong highlight sa career ni Jojo.
Ginawa ang kanta para kay Jojo ni Jonathan in the tradition of Ariel Rivera’s Chiristmas ballad Sana Ngayong Pasko at Pasko na Sinta Ko ni Gary Valenciano.
Mamangha, lumuha, at balikan ang mga eksena sa inyong buhay habang pinakikinggan ang Christmas song ni Jojo na Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin at mapalad kaming ipinarinig sa amin ni Jojo ang huling bahagi ng kanta na swak na swak ngayong Pasko!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com